MANILA, Philippines — Matapos ang naganap na aksidente sa isang lady enforcer na nasagasaan ng isang armored van, sumulat ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Inter-Agency Council for Traffic (IACT) para i-regulate o bigyan na ng prangkisa ang mga armored van.
Sabi ni MMDA general manager Jojo Garcia, ang mga armored van ay kinokonsidera na pribadong behikulo, gayunman dapat na aniyang mabigyan ang mga ito ng prangkisa para nako-control ang operasyon .
Nilinaw ni Garcia na ang mga armored van ay hindi exempted sa mga batas trapiko.
Ang reaksiyon ng MMDA ay bunsod sa naganap na aksidente sa isang lady enforcer, na nabangga habang ito ay nagmamando ng trapiko sa gitna ng Southbound lane ng EDSA-Cubao, Quezon City nitong Huwebes ng umaga .
Payo ng MMDA sa mga motorista na mag-ingat aniya sa pagmamaneho para maiwasan ang mga ganitong uri ng aksidente.
Gayundin pinaalalahanan nila ang mga enforcer na hangga’t maaari ay huwag nang gumitna sa kalsada maliban na lamang kung may mga emergency na dapat asistahan para magmando ng trapiko.