MANILA, Philippines — Hinikayat ng Land Transportation Franchise and Regulatory Board (LTFRB) ang mga mag-aaral na ireklamo sa ahensiya ang sinumang driver na ayaw magbigay ng fare discount.
Ito ay sinabi ni LTFRB board member Aileen Lizada makaraang mapanood ang isang video na nagpapakita nang hindi pagbibigay ng discount ang driver ng jeep sa estudyante.
Naniniwala si Lizada na mapaparusahan ang driver at maging ang operator ng jeep na nasa video dahil malinaw ang ebidensiya ng hindi pagkakaloob ng fare discount sa mag-aaral.
“Mas effective talaga kapag video, at least klaro na masyado, the details are already in the video itself, no need for clarification “pahayag ni Lizada.
Gayunman, sinabi ni Li-zada na mas susulong ang usaping ito kung may pormal na magsasampa ng kaso sa LTFRB patungkol dito.