MANILA, Philippines — Isang service crew ng isang restaurant ang pinagsasaksak hanggang sa ma-patay matapos na umano’y mangupit ng sukli nang utusan ito na bumili ng alak sa Quezon City, kamaka-lawa ng gabi.
Ang biktima ay kinila-lang si Melvin Florentino Estose, 23, binata, nakatira sa San Luis St., Brgy. Gulod, Novaliches, QC.
Agad namang tumakas ang suspek na nakilalang si Narciso Sotomayor Pepito Jr., 29, binata at residente ng Nazario St., Brgy. Gulod, dala ang patalim na ginamit sa krimen.
Sa imbestigasyon ni PO2 Julius P. Raz, nabatid na ang krimen ay naganap dakong alas-1:15 ng gabi sa tahanan ng suspek.
Batay sa pahayag ni Arnel Tuazon, nag-iinuman umano sila ng biktima at ng suspek sa loob ng bahay ng huli nang magtalo ang da-lawa makaraang mabilang ni Pepito na kulang ang ibinigay sa kanyang sukli ni Estose na inutusan nito na bumili ng alak.
Sa gitna nang mainitang pagtatalo ay dinampot ng suspek ang patalim at sinaksak sa likuran ang biktima na tumayo na at lalayasan na sana ang galit na galit na suspek.
Mabilis namang naisugod sa hospital ang biktima pero agad ding binawian ng buhay dahil sa matindi at malalalim na saksak na kanyang tinamo sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Pinaghahanap pa ng pulisya ang nakatakas na sus-pek upang panagutin sa krimeng nagawa.