MANILA, Philippines — Matapos ang limang taong pagtatago sa batas, naaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang anak na pumatay sa sarili nitong negosyanteng ama dahil lamang sa mana sa isinagawang follow-up operation sa tulong ng International Police sa United Arab Emirates (UAE), ayon sa mga opisyal kahapon.
Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta ni Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Chief P/Director Roel Obusan ang nasakoteng suspect na si Nelson Antonio.
Si Nelson ay panganay na anak ni Antonio Antonio, isang mayamang negosyante na kabilang sa kompanyang pinatatakbo ng panganay nitong anak.
Sinabi ni PNP Chief P/Director General Oscar Alba-yalde, kamakalawa lamang naibalik ng mga awtoridad sa Pilipinas ang suspect kasu-nod ng pagkakaaresto rito sa Abu Dhabi ng mga tau- han nina Obusan, PNP Drug Enforcement Group Chief Supt. Albert Ignatius Ferro katuwang ang Police Attache to UAE Sr. Supt. Enrique Magalona at Supt. Rodolfo Gonzales.
Base sa rekord, pinaslang si Antonio noong Setyembre 11, 2013 makaraang pasukin ng tatlong mga armadong kalalakihan ang tahanan ng pamilya sa lungsod ng Parañaque kung saan pinagbabaril ang target na nagtamo ng anim na tama ng bala sa katawan.
Nasakote naman sa follow-up operation ang suspect na si Nelson na umamin na siya ang nagplano at sangkot sa pagpatay sa kaniyang sari-ling ama bunsod upang kasuhan ito ng parricide sa korte.
Gayunman, naging kumplikado ang pagsasampa ng kaso nang mag-agawan ang Parañaque City at Las Piñas sa hurisdiksyon ng teritoryo kung saan ito nahuli bunsod upang ibasura ng prosekusyon ang kaso bunga ng teknikalidad kaya nakalaya ang suspect.
Samantalang matapos ito ay umalis ng bansa si Antonio noong Disyembre 28, 2013 patungong Singapore at mula rito ay nagtungo naman ito sa United Arab Emi-rates hanggang masakote sa kapitolyo ng nasabing bansa matapos ialerto ng PNP ang Interpol doon.
Lumilitaw naman sa imbestigasyon, ayon pa kay Obusan na nag-ugat ang krimen dahilan sa pera matapos na madispalko ng suspek ang malaking halaga mula sa kanilang kompanya bagay na ikinagalit ng ama kaya ito inalisan ng mana.