‘Dugo-dugo gang’ sumalakay, P4-M cash at alahas, tangay

MANILA, Philippines — Aabot sa P4 milyong ha-laga ng salapi at alahas ang natangay ng mga miyembro ng ‘‘Dugo-Dugo Gang’’ sa isang dalagitang Filipino-Chinese na nagawang lokohin ng sindikato nang sabihing naaksidente ang kanyang ina, kamakalawa ng hapon sa Caloocan City.

Wala nang nagawa kundi iulat na lamang sa Caloocan City Police ng pamilya Lee ang pambibiktima sa 17-an-yos nilang anak na itinago sa pangalang Ange, residente ng Road B, Veteran’s Village, Project 7, Quezon City.

Sa salaysay ng biktima, alas-2:55 ng hapon nang makatanggap siya ng tawag buhat sa isang babae at sinabing naaksidente ang kanyang ina sa kotse at na­nga­­ngailangan agad ng pera para maoperahan.

Inutusan ng caller ang dalagita na buksan at kunin ang laman ng kaha-de-yero ng kanyang mga magulang at siya pa mismo ang nagdikta ng mga numerong kumbinas­yon ng kaha para mabuksan.

Dito siya sinabihan na magtungo sa 4th Avenue sa Caloocan City at dito lumapit sa kanya ang isang babae na kumuha ng pera at alahas saka siya sinabihan na maghintay na lamang. Inilarawan ng biktima ang naturang babae na may taas na 4’8”, maputi, may kulay na brown ang buhok, balingkinitan, at nasa pagitan ng edad 20-27 taong gulang.

Nadiskubre na lamang umano niya na nabiktima siya ng sindikato nang tawagan niya ang mobile phone ng kanyang ina na nagsabing hindi siya naaksidente.

Patuloy ang imbestigas-yon at biniberepika ng pulisya ang insidente. Partikular na inaalam ng mga imbestigador kung paano nalaman ng sinasabing caller ang kumbinasyon ng kaha ng magulang ng dalagita.

Show comments