MANILA, Philippines — Patay ang isang 67-anyos na lola na humagis ng ilang metro dahil sa impact ng pagkakabundol habang sugatan ang rider na tumilapon mula sa kanyang motorsiklo, sa Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon. Bigo nang maisalba sa UST Hospital ang biktimang si Edna Lizardo Capule, biyuda at residente ng no. 652 . Lacson Avenue, Sampaloc bunga ng matinding pinsala sa ulo at katawan. Sugatan naman ang suspek na si Rene Ordinario Castillo, 32, binata, residente ng no. 1282 Dama de Noche St., Tondo, Maynila na mamaharap sa reklamong reckless imprudence resulting in homicide.