MANILA, Philippines — Arestado ang tatlong katao matapos makuhanan ng deadly weapons sa lungsod ng Manila kamakalawa ng gabi, ilang oras bago ang pagpapatupad ng gun ban, para sa May 14 Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Sa ulat ng Manila Police District-Station 7, dakong alas-9:30 ng gabi nang maaresto ang suspek na si Robert Aragon, 29, sidecar boy, at residente ng 839 Almario St., Dagupan, Tondo, Sa ulat ng MPD-Station 7, dakong alas-11:20 ng gabi ay inaresto sina Kendri Valderama, 18, at Benedict Coronel, 22, kapwa residente ng Permanent Housing, Tondo, matapos na maaktuhan ng mga awtoridad na nag-iinuman sa Malara St., isang public place at paglabag sa Revised Ordinance 5555 (Drinking in Public Place), habang nagsasagawa sila ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lugar at nang kapkapan ay narekober sa kaniya ang balisong na may habang walong pulgada.