MANILA, Philippines — Parurusahan ng batas sa Quezon City ang sinumang barkers na nasa lugar na hindi itinalagang terminals para sa mga pampasaherong sasakyan tulad ng buses, jeeps, at taxis.
Sa ilalim ng QC Ordinance 2612-2017 na iniakda ni Councilor Eric Z. Medina at nilagdaan ni QC Mayor Herbert Bautista, tinutukoy ang mga barkers na kalimitan bystanders na nagigng dahilan kung bakit kung saan-saan na lamang na lugar pumaparada ang mga pampasaherong sasakyan kahit hindi sa itinalagang PUV terminals dahilan para magkatrapik sa isang lugar na nakakaapekto sa mga pedestrians, commuters at iba pang motorista.
Nakasaad sa ordinansa na kailangan lamang na sundin ng mga public utility vehicle driver na mailagay sa tamang lugar ang mga sasakyan para kumuha ng pasahero.
Kaugnay nito, sinabi ni Enrique Madura, hearing officer ng QC Department of Public Order and Safety (DPOS) na ang ordinansa ay naglalayong mapatigil ang mga illegal activities sa iba’t-ibang lugar sa lunsod.