PANOORIN: Bangga modus sapul sa dashcam sa Quezon City

MANILA, Philippines – Isa na namang kaso ng bangga modus ang nakuhaan ng dashboard camera sa lungsod ng Quezon nito lamang.

Kita sa kuha ng camera kung paano lumapit ang isang lalaki sa paparating na sasakyan at tumalon pasalubong upang magmukhang nabangga siya nito.

Ayon sa nag-post ng video na si Maynard Elnar, nangyari ito sa Agham Road sa Diliman.

Hindi naman tumigil ang sasakyan at nagpatuloy lamang sa pagmamaneho.

Kadalasan itong ginagawa ng mga kawatan upang makapangikil ng pera sa driver ng sasakyan at tatanggi na magpadala sa ospital.

Show comments