MANILA, Philippines - Nadakip kahapon ng pulisya ang kasambahay at dalawa nitong kasabwat makaraang pagnakawan ang 92-anyos niyang amo na tiyahin ng aktor na si Robin Padilla, kamakailan.
Kinilala ang umaming kasambahay na si Jennifer Palomo, 33, na sinasabing utak sa nakawan. Dinakip din ang kanyang kinakasama na si Noel Avila, 34 at Judy Sedrome, 34 na nagsabwatan para nakawan ang biktimang si Pilar Padilla Brooks ng Brgy. Bahay Toro, Quezon City.
Natangay ng mga sus-pect ang mahigit sa P20-milyong cash at mga alahas.
Buwan ng Mayo nang magbakasyon ang biktimang si Brooks sa Estados Unidos at sa kanyang pag-uwi ay doon niya natuklasan ang nawawalang vault sa bahay na dito nakalagay ang mga alahas, bank account at cash.
Gumawa pa ng senaryo ang mga suspect na pinalabas na nilooban sila at ni-ransacked ang bahay ng amo na kalaunan ay natuklasang gawa-gawa lamang.