Bebot inutas sa riles

MANILA, Philippines -  Isang babae ang binaril at napatay ng hindi pa kilalang salarin sa tabi ng riles ng tren sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na nasa 20-25-anyos,  may taas na 5’1 talampakan, katamtaman ang pangangatawan, nakasuot ng kulay blue na jacket, pink na t-shirt, jersey shirt at tsinelas.

Sa ulat ni P/Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila Police District-Station 7, dakong ala-1:30 ng madaling araw nang maganap ang pamamaril sa Hermosa St., Tondo.

Limang basyo ng kalibre .45 at cellphone ang narekober sa crime scene.

Inaalam pa kung ano ang motibo sa pagpatay.

Show comments