MANILA, Philippines – Dalawang babae ang pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem habang naglalakad sa panulukan ng Old Antipolo St. at Jose Abad Santos Avenue sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.
Inaalam pa ang pagkakilanlan sa dalawang babaeng biktima na habang sinusulat ang balitang ito ay wala pang kaanak na lumulutang para matukoy ang kanilang mga pangalan. Kapwa idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang dalawang biktima.
Sa inisyal na impormasyon, dakong alas-5:25 ng hapon kahapon nang maganap ang pamamaril sa dalawa sa Old Antipolo St.
Sa footage umano sa closed circuit television sa lugar, nakasuot ng sumbrero ang gunmen kaya hindi makikita ang kabuuang histura ng mga mukha na sakay ng motorsiklo.
Multiple gunshot wounds ang ikinasawi ng dalawang biktima.
Inaalam pa ang motibo sa krimen. Habang patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.