MANILA, Philippines - Todas ang isang tsuper makaraang makasalpu-kan ng kanyang minamanehong tricycle ang isang pampasaherong jeep, kahapon ng umaga sa Malabon City.
Agad na nasawi makaraang makaladkad pa ng jeep ang biktimang si Antonio Pajarpa, 55, may-asawa, at residente ng Manapat Street, Brgy. Ta-niong, ng naturang lungsod. Arestado naman ang nakabanggaan na jeepney driver na si Wilfredo Dilla, 51, ng M. Quizon Street, Tondo, Maynila.
Base sa ulat ng Malabon City Police-Traffic Unit, dakong alas-6 ng hapon nang maganap ang aksidente sa kanto ng C4 Road at Manapat Street sa natu-rang barangay. Papaliko sa kanto ang tricycle ni Pajarpa nang mabundol ito ng jeep na bumabagtas sa C4 Road.
Pumailalim rin si Pajarpa na naging dahilan ng agad niyang pagkasawi.
Ayon kay Dilla, nawalan umano ng preno ang kanyang jeep habang may kasalubong sa kabilang kalsada kaya hindi na niya naiwasan ang tricycle.
Nahaharap naman si Dilla ngayon sa kasong reckless imprudence resul-ting in homicide at damage to property.