MANILA, Philippines – Dalawang pulis na sinasabing dawit sa pagtutulak ng illegal na droga ang nasawi sa magkahiwalay na lugar sa Pasig City at sa Quezon City.
Sa Pasig City, utas makaraang pagbabarilin ng riding in tandem si PO2 Miguel Turaray, ng Brgy. Bagong Ilog.
Ayon kay EPD director Se-nior Supt. Romulo Sapitula naganap ang insidente dakong alas-7:25 ng gabi sa San Roque St., Brgy. Bagong Ilog sa lungsod.
Sinasabing nakatayo ang biktima sa lugar nang pumarada sa kanyang harapan ang isang motorsiklo sakay ang dalawang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo ang pulis dahilan ng kanyang kamatayan.
Ayon kay Sapitula, si Turaray ay aktibong pulis na nakatalaga sa National Ca-pital Region Police Office’s (NCRPO) Regional Police Holding Administrative Unit of Headquarters Support Service (PHAU-HSS).
Nabatid sa rekord na ni-relieved si Turaray dahil sa kanyang involvement sa illegal drug trade sa Brgy. Bagong Ilog at mga kalapit na area sa Pasig.
Bukod sa ‘drug peddling’ ay sinasabing gumagamit din ng droga ang pulis at sangkot din sa malalaking personalidad na nagpapakalat ng bawal na gamot sa Eastern Part ng Metro Manila.
Sa Quezon City patay din sa ikinasang buy-bust operation si PO1 Reyadzper Ibba, 34, nakatalaga sa Police Station-3 ng QCPD, at residente ng Brgy. Culiat sa lungsod.
Ayon kay PO2 Jerome Dolente, may-hawak ng kaso, naka-engkwentro ni Ibba ang mga tropa ng Regional Anti-Illegal Drugs, Special Operation Task Group (RAID-SOTG) na pinamumunuan ni P/Senior Insp. Jansky Jaafar at pitong personnel nito.
Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa kahabaan ng Katipunan Avenue, SB Road, malapit sa kanto ng Gen. Luis Avenue, Brgy. Nagkaisang Nayon, sa liungsod dakong alas-6:30 ng hapon sa ikina-sang isang buy-bust operation.
Sa gitna ng transaksyon ay biglang nagbunot ng baril ang huli at pinaputukan ang mga una.
Gumanti naman ng putok ang mga operatiba dahilan ng pagkasawi ni Ibba.
Narekober sa lugar ang tatlong basyo ng bala mula sa hindi mabatid na kalibre ng baril. Nakakuha rin ang mga operatiba sa bulsa ng suspek ng dalawang plastic sachet ng shabu, isang Glock 17 pistola na may 11 bala; at extra na magazine na may 30 piraso ng bala, at isang Suzuki Raider 150 (3346-TA).