Lola lasog sa tren

MANILA, Philippines - Dead-on-the-spot ang isang matandang babae na sinasabing nagte-text at hindi napansin ang pagdaan ng tren dahilan upang masabit sa riles ang kaniyang dalawang paa na naputol  sa bahagi ng riles  malapit sa  panulukan ng Algeciras St., Sampaloc, Maynila, kamakalawa ng hapon.

 Ang biktima ay kinilalang si Norma Taylan, residente ng Antipolo St., Sampaloc Maynila.

Pumailalim sa tren ang dalawang paa ng biktima habang sa labas ng riles na bumagsak ang katawan nito.

Nabatid na dakong alas-5:00 ng hapon nang makitang nagla-lakad ang biktima na may hawak na cellphone nang makita na lamang na bumagsak kasabay ng pagdaan ng Philippine National Railways train na  patungo umano ng Tutuban.

Show comments