MANILA, Philippines - Bukas na isasaga-wa ang pangalawang Metro-wide shake drill ng Metropolitan Manila Development Autho-rity (MMDA) kung saan ilang kalye ang isasara sa Kalakhang Maynila.
Nabatid na eksaktong alas-9:00 ng umaga, maririnig sa lahat ng radio at telebisyon gayundin ang sabay sabay na kalembang ng schools bells, door bells, church bells, at sirena ng mga sasakyan bilang hudyat ng pagisisimula ng shake drill simulation exercise.
Ang lahat ng kawani ng MMDA ay lalahok sa pagsasagawa ng “duck, cover and hold”.
Kasabay dito ang matutunghayang iba’t ibang senaryo tulad ng pagguho ng tulay at gusali aberya ng mga trains, gayundin kung paano magreponsde ang mga rescue teams.
Sasabay din dito ang lalawigan ng Bulacan, Cavite, Rizal, at Laguna sa gagawing drill.
Layunin nito na ma-ging handa ang lahat sa tinaguriang “The Big One” o malakas na pag-lindol kung saan sa pamamagitan nito maibsan o kung maaari walang magiging biktima o masawi oras na tumama ang malakas na lindol.
Kaugnay nito, ilang lansangan sa Metro Manila na gagamitin sa drill ang isasara kaya pinayuhan ang mga mototista na alamin ang mga alternate route.
Maging ang lahat ng mga paaralan naman sa buong bansa ay sasabay din sa pagdaraos ng earthquake drill bukas, ayon sa Department of Education (DepEd).
Ayon kay Education Secretary Br. Armin A. Luistro, layunin rin ng naturang drill na i-assess ang antas ng kapasidad ng mga paaralan at mga komunidad sa panahon ng mga disaster at emergency. “An integral part of this exercise is to discuss with the teachers and the students safety precautions and other must-know measures about
earthquakes,” ani Luistro.