MANILA, Philippines – Mariing nanawagan kahapon ang pamahalaang lungsod ng Parañaque sa administrasyon ni President-elect Rodrigo Duterte na isulong ang konstruksyon na pa nukalang P13 bilyong international airport sa central Manila Bay.
Ayon kay re-elected Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, nabatid na ang multi-bilyong airport project ay isa sa mga potensyal na lugar na inirekomenda ng Japan International Cooperation Agency (JICA) sa gobyerno.
Ipinahayag ni Olivarez na sinusuportahan nila ang itatayong international airport project na ipapalit sa napakasikip at napakalumang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na sakop ng lungsod.
Nais ng gobyerno na gumawa ng bagong international airport na may 25 hanggang 30 minuto ang layo sa NAIA sa Parañaque na inaasahang aabot na sa full capacity sa madaling panahon.
Ang panukalang airport ay itatayo sa Parañaque territorial jurisdiction. Sa ilalim ng plano, gagamitin ang 157-hectare ng reclaimed land na mas kilalang “Freedom Island”.