Pagtatayo ng punerarya sa Marikina, bawal na

Pagdi-display ng mga ataul, ’di rin pwede 

MANILA, Philippines – Pansamantala munang ipagbabawal ng Marikina City government ang pagtatayo ng funeral homes  o punerarya sa lungsod.

Bukod dito, mahigpit ding ipagbabawal ang pagdi-display ng mga funeral parlor ng kanilang mga ibinebentang ataul dahil sa reklamong natatanggap ng lokal na pamahalaan hinggil dito. Alinsunod sa Ordinance No. 76 na nilagdaan ni Marikina Mayor Del De Guzman, magpapatupad ang lokal na pamahalaan ng tatlong taong moratorium sa pagtatayo ng funeral parlors.

Nabatid na sa pinakahuling datos, nasa 16 na ang mga punerarya na nag-ooperate sa lungsod na naging dahilan upang humina ang kita ng mga may-ari ng mga punerar­ya.

Sa ilalim ng Ordinance No. 45, ipinagbabawal na rin ang pagdi-display o pagpapakita ng mga funeral homes ng mga ibi­nebenta nilang mga kabaong.

Ayon kay Marikina City Vice Mayor Jose Fabian Cadiz, ipinatupad nila ang ordinansa dahil hindi maganda ang nagiging da-ting sa publiko na makita ang maraming ataul na ibinibenta na parang ordinaryong paninda lamang  at naka-display at kitang kita sa mga kalsada.

Maaari namang makita ng mga kliyente ang mga ibinibentang ataul ng mga funeral homes sa mga sample coffins sa kanilang photo album.

Show comments