MANILA, Philippines – Darating na sa bansa ngayong Abril ang mga bagong riles na gagamitin para sa rail replacement ng 29-kilometer stretch ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) o mula Baclaran Station hanggang 5th Avenue.
Ayon sa private concessionaire na Light Rail Manila Corp. (LRMC), inaasahan nilang matatapos ang pagpapalit ng riles sa taong 2017.
Kumpiyansa naman ang LRMC na higit na bibilis ang biyahe ng mga tren sa sandaling makumpleto na ang rehabilitasyon ng mga riles nito.
Maaari aniyang madagdagan ang train speed ng LRT-1 ng mula 40 kilometer per hour (kph) hanggang 60 kph, na malaking ginhawa sa mga mananakay.
Sinabi ni LRMC Engineering Director Rudy Chansuyco na target nilang matapos ang proyekto hanggang taong 2017, kung kailan inaasahang darating na rin ang mga bagong light rail vehicles (LRVs) nila.
Masaya rin naman nitong inanunsyo na nakatakda na rin nilang simulan ang konstruksyon ng 1.7-kilometer extension ng LRT-1 mula sa kasalukuyang end-point sa Baclaran hanggang sa Bacoor, Cavite.
Sakop ng extension project ang pagdaragdag ng walong bagong istasyon ng tren.