Shabu raid ‘misencounter’ — Marcelino

Marcelino

MANILA, Philippines - PNP-Anti Illegal Drugs na umaresto sa kanya sa isang drug bust operation kamakalawa sa Sta. Cruz, Maynila.

Ayon kay Atty. Dennis Manalo, abugado ni Marcelino, ipinoproseso na ang dokumento na magkukumpirma sa estado ni Marcelino bilang military intelligence.

May dahilan umano kaya naroon si Marcelino sa lugar na target ng operasyon ng PDEA at PNP Anti-Illegal Drugs at ang dokumento na kanilang hinihintay ang magpapatunay nito.

Manggagaling umano ang dokumento mula sa intelligence.

Mahirap lang umano na basta ilabas ang dokumento na sinasabing mission order kaya naroon si Marcelino sa lugar ng operasyon dahil ito ay confidential at may kinakailangan pang pagdaanang clearance.

Naniniwala si Manalo na hindi pa hinog ang kaso para iakyat ang reklamo sa korte.

Samantala, bukod kina Marcelino at dating PDEA interpreter Yan Yi Shou, kasama rin sa charge sheet ang tatlo pang Chinese na at-large na sina Lo Chi alyas Tanda, Atong Lee at Chu.

Ang tatlong Chinese ang target ng search warrant na inisyu ni Judge Fernando Sagun na pinagbatayan ng drug bust operation.

Kahapon ay isinailalim na sa inquest proceedings sa Depart-      ment of Justice (DOJ) si Marcelino at Shou kung saan isinampa ang kasong paglabag sa Manufacturing of Dangerous Drugs sa ilalim ng Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 64 kilo ng shabu na umaabot sa P320 million ang market value.

Samantala, rerebyuhin ng PNP-Anti-Illegal Drugs Group ang closed circuit television (CCTV) ng townhouse kung saan nahuli si Marcelino para malaman kung gaano ito kadalas nagtutungo rito.

Show comments