11 sasakyan nasampolan sa yellow lane

Mahigpit nang ipinatupad kahapon ang paggamit ng yellow lane sa  may Shaw Blvd hanggang Guadalupe  sa Edsa kung saan may 11 sasakyan ang nasampolan ng multa. Michael Varcas

MANILA, Philippines – Labing-isang sasakyan  ang nasampulan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na luma­bag sa unang araw nang  mahigpit na implementasyon ng yellow lane sa Edsa kahapon.

Ito ay ayon kay MMDA Special Traffic and Transport Group Head Rey Arada.

Nabatid na sa 11 nahuli, sampu dito ay mga pribadong sasakyan na pumasok sa yellow lane at ang isa naman ay bus na lumabas naman sa yellow lane.

Partikular na binantayan kahapon ang southbound lane ng Edsa mula sa Shaw Boulevard hanggang Guadalupe.

Sinabi ni  Arada, na sa pahihigpit ng yellow lane ay kapansin pansin na maluwag ang daloy ng trapiko sa ilang bahagi ng EDSA.

Napag-alaman na P500  ang multa sa mga lu­mabag na pribadong motorista o  yaong pumasok sa yellow lane habang dalawang daang piso naman sa mga bus na lalabas  sa yellow lane.

Ang yellow lane ay para  lamang sa mga buses at bawal ang mga pribadong sasakyan kabilang ang taxi at AUVs.

Sisimulan na rin ang mahigpit na pagpapatupad nito sa kahabaan ng Edsa.

Show comments