OFW nagbigti

MANILA, Philippines – Isang 35-anyos na Overseas Filipino Worker (OFW) ang nagbigti matapos itong makipag-usap sa pamamagitan ng internet, kamalalawa ng gabi sa Malabon City. Kaagad na binawian ng buhay si Dilbert Luces,  ng Block 1, Lot 20, Phase 2, Area 3, Kaunlaran Village, Brgy. Longos ng nasabing lungsod. Ayon sa imbestigasyon ni SPO3 Benedicto Zafra, ng Malabon City Police, alas-10:30 ng gabi nang matagpuan ang biktima ng kanyang kasamahang si Arman Madrona, na nakatali ang leeg ng nylon cord at nakasabit sa pintuan ng bahay nito sa naturang lugar.

Humingi ng tulong si Madrona sa mga kapitbahay para ibaba ang biktima at kalagan ito at nalamang wala nang buhay. Nabatid sa pulisya, bago ang insidente, may kausap umano ang biktima sa internet at pagkatapos ay nakita na nga itong nakabigti. Patuloy naman ang isinagawang imbestigasyon at alamin kung may foul play sa insidente.

Show comments