1 patay sa salpukan ng tren at jeep sa Maynila

File photo

MANILA, Philippines – Patay ang isang guro, habang sugatan ang anim pang pasahero ng jeep matapos salpukin ng tren ng Philippine National Railways kagabi sa Maynila.

Ayon sa ulat, sinubukang lagpasan ng jeep na may plakang PCV-165 ang railroad crossing barrier sa kabila ng pagdating ng tren ng PNR.

Hindi pinalad na makalampas ang jeep, dahilan upang tamaan ito ng tren sa sangandaan ng Paco Station sa panulukan ng Pedro Gil at Quirino.

Naisugod pa ang pitong biktima, ngunit binawian din ng buhay ang hindi pa natutukoy na pangalan ng nasawing biktima na napagalamanan lamang na isang 50-anyos na guro.

Sinabi ng pamunuan ng PNR na maiiwasan sana ang mga aksidente sa riles kung susundin lamang ang “stop, look and listen” kapag may paparating na tren.

 

Show comments