Vendor todas sa tandem

MANILA, Philippines - Isang 40-anyos na  vendor  ang  binaril sa ulo ng hindi pa nakikilalang­  salarin, kamakalawa ng gabi sa Tondo­, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang biktimang si Ariel­ Yamson, ng Endaya St., Tondo, May­nila.

Ayon kay Supt. Alex Daniel, hepe ng Manila Police District-Station 7, alas-7:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Jose Basa St., Tondo, Maynila.

Lumilitaw na nakatanggap ng death threat ang biktima mula sa isang alyas Ed noong Enero 10 na binalewala naman ng una.

Naglalakad pauwi ng bahay ng biktima noong Lunes ng gabi nang sumulpot ang dalawang sus­pect sakay ng motorsiklo at walang sabi-sabing binaril ito sa ulo ng kalibre .45.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Dagupan St., patungong Moriones St. matapos ang isinagawang krimen

Nagsasagawa ng follow up ang mga awtoridad upang matukoy ang motibo at mga suspek.

Show comments