Driver binurdahan ng saksak sa loob ng pinapasadang jeep

Patay na nang matagpuan sa loob ng kanyang pinapasadang jeep ang driver na si Noel Desingano kahapon ng madaling-araw sa Tondo, Maynila. Joven Cagande

MANILA, Philippines – Nadiskubreng naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay ang isang 45-anyos na driver sa loob mismo ng ipinapasada nitong dyip sa Tondo, Maynila, kahapon  ng madaling araw.

Dead-on-the-spot ang biktimang kinilalang si Noel Desingano, ng Block 8-D, Lot 3, Model Community Housing, Moriones, Tondo, Maynila sanhi ng mga saksak na tinamo sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Wala pang natutukoy na mga suspek bagamat inaalam kung may kinalaman ang dalawang lalaki na nakainuman nito sa loob ng nakahimpil na dyip.

Sa ulat ni P03 Marlon San Pedro ng Manila Police District Homicide Section, nakita na lamang ang biktima na duguan sa likod na bahagi ng pampasadang jeep  na may plakang  NVD- 870  dakong alas-2:45 ng madaling araw kahapon  sa  R-10 sa Tondo.

Posibleng nagpapahinga na ang biktima nang burdahan ng saksak ng hindi pa kilalang salarin.

Show comments