Trak-trak ng basura, nahakot sa Traslacion

MANILA, Philippines – Trak-trak ng basura ang nasimulang hakutin ng mga tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na naiwang basura ng mga deboto ng Itim na Nazareno buhat sa Quirino Grandstand hanggang sa mga dinaanan ng nakilahok sa prusisyon kahapon sa Maynila.

Ayon sa MMDA Metro base, habang sinusulat ang balitang ito, on-going pa rin ang isinasagawang cleaning operation ng MMDA, kung saan nakasunod ang grupo ng mga street sweeper sa prusisyon.

Bawat aniya lugar na dadaanan ay kaagad ng winawalis at hinahakot ng grupo ng MMDA ang mga naiwang basura ng mga debotong lumahok dito.

Sa kabila ng pinatutupad na disiplina hinggil sa pagbabawal na pagtatapon ng basura, marami pa rin ang pasaway na ilang deboto na itinatapon na lang kung saan-saan ang kanilang basura sa halip itapon sa mga itinalagang basurahan ng MMDA at pamahalaang lungsod ng Maynila.

Hanggang ngayong araw ay inaasahan pa rin ang mga gagawing paghakot ng basura.

Show comments