DPWH muling nagpatupad ng re-blocking

MANILA, Philippines – Asahan ang masikip na daloy ng trapiko ngayong weekend, dahil sa muling pagpapatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang road re-blocking sa ilang lugar ng Kalakhang Maynila.

Abiso ito kahapon ng Metropolitan Manila Deve­lopment Authority (MMDA) base sa rekomendasyon ni DPWH-National Capital Region Director Melvin Navarro.

Ayon kay MMDA Chairman Emerson Carlos, narito ang mga lugar na apektado ng road re-blocking.

Sa Southbound lane, apektado ang kahabaan ng EDSA, pagitan ng Mother Ignacia at Eugenio Lopez Sts., unang lane mula sa sidewalk.

Ang Nortbound lane na­man ay apektado ang ka­habaan ng C-5 Road, mula sa Shell Gas Station hanggang SM Warehouse Gate 2, outermost lane.

Gayundin ang kaha­baan ng EDSA, harapan ng DPWH-QCSED, 2nd  lane mula sidewalk.

Alas-10:00 kagabi ng Bi­yernes nang sinimulan ang na­­turang proyekto at pagsapit ng alas-5:00 ng umaga ng Lunes, Enero­ 11 ay  maaari nang madaanan ang  naturang mga lugar dahil sa oras na ito matatapos ang road re-blocking­.

Show comments