Motorsiklo inararo ng SUV: Rider utas

MANILA, Philippines – Utas ang isang rider ha-bang sugatan naman ang angkas nito, makaraang bundulin sila ng SUV habang binabag-tas ang kahabaan ng Bara- ngay Holy Spirit sa lungsod Quezon, kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police District Traffic Sector 5, ang nasawi ay kinilalang si Benjamin Abundo, 35, supervisor at residente sa Wallnut St., Brgy. West Fairview sa lungsod.

Habang ang sugatan naman ay kinilalang si Jun Jun Aburdo na nakaratay nga-yon sa East Avenue Medical Center (EAMC).

Nasa kustodiya naman ng TS5 ang driver ng Ford Escape SUV (WJO-243) na si Eve Margarette Kuroki, 24, dalaga, college student, ng Block-6 L-29, North Olym­pus, Novaliches, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Alfredo B. Moises, nangyari ang insidente sa may kahabaan ng De Leon St., sa tapat ng Apartment 16A, Barangay Holy Spirit, Quezon City, da­kong alas-11:00 ng gabi.

Sinasabing binabaybay ng Yamaha Mio scooter (PJ-6188) na minamaneho ni Abundo at angkas na si Aburdo ang kahabaan ng De Leon St. patungo sa Commonwealth Ave. nang biglang sumalungat paliko ang rumaragasang SUV at  nasalpok ang mga ito. Sa lakas ng pagkakasalpok, tumilapon ng ilang metrong layo ang scooter dahilan para magtamo ng matinding injuries ang dalawa at magresulta sa pagkasawi ni Abundo at kinasugat ng kaangkas nito.

Show comments