MANILA, Philippines – Tataas ng hanggang 67% ang kapasidad ng Metro Rail Transit (MRT-3) sa sandaling maging operational nang lahat ang 48 bagong light rail vehicles (LRVs) na binili ng pamahalaan mula sa China.
Ayon kay Department of Transportation and Communications (DOTC) Secretary Joseph Emilio Abaya, magagamit na ang unang tatlong train coaches na dumating sa bansa noong Disyembre ngayong unang bahagi ng taong 2016.
Gayunman, bago aniya ito tuluyang ibiyahe ay nais lamang munang matiyak ng pamahalaan na ligtas at episyente ang mga ito, sa pamamagitan nang pagsasagawa ng ilang serye ng pagsusuri at test run hanggang sa Pebrero.
Sa ngayon aniya ay hinihintay pa nila ang pagda-ting ng consultant ng Dalian Locomotive, ang kompanyang pinagbilhan ng mga bagon, bago isagawa ang test run.
Batay sa timeline ng DOTC, inaasahang dara-ting sa bansa ngayong Enero o Pebrero ang tatlo pang LRVs.
Pagsapit naman ng Marso, inaasahang makapagde-deliver sa bansa ang apat na LRVs kada buwan hanggang sa makumpleto na ang 48 bagong bagon, bago matapos ang taon.