MANILA, Philippines – Balik na sa normal ang operasyon ng Light Rail Transit (LRT) at Metro Rail Transit (MRT) matapos magpatupad ng limitadong schedule nitong nakalipas na holiday.
Ayon kay Light Rail Transit Authority (LRTA) spokesperson Her-nando Cabrera, mula alas-5:00 ng madaling araw ay bibiyahe na ang unang tren ng LRT line 1 mula sa Roosevelt Ave. Quezon City, patungo ng Baclaran, Parañaque habang ang LRT line 2 ay tatakbo ang unang bagon nito ng alas-5:00 ng mada-ling-araw sa Recto Ave. sa Maynila patungo ng Santolan station sa Pasig City.
Ang huling biyahe naman ng LRT-1 at LRT-2 ay alas-9:30 ng gabi sa vice versa ng kanilang ruta.
Maging ang Metro Rail Transit (MRT) ay balik na rin sa normal ang operasyon para pagsilbihan at ihatid sa kani-kanilang destinasyon ang libu-libong pasahero na sumasakay araw-araw.
Una dito ay nagpatupad ng maiksing oras ng biyahe ang LRT at MRT nitong Disyembre 24 at Disyembre 31 na mula sa alas-5:00 ng umaga ay hanggang 7:30 lamang ng gabi.