MANILA, Philippines – Nagbabala ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa mga kompanya ng bus na pagmumultahin sa sandaling mapatunayang nananamantala ng mga pasahero tulad ng pagtaas ng singil sa pasahe.
Ayon kay LTFRB chairman Winston Gines, sakaling mapatunayan nila ang pananamantala ng mga ito ay agad nilang pagmumultahin kahit walang pormal na reklamo laban sa kanila.
Aksyon ito ng kagawaran makaraang mapa-ulat ang pananamantala ng ilang bus company sa mga pasaherong gustong makauwi sa kanilang mga probinsiya para doon magdiwang at salubungin ang kanilang Bagong Taon na sinisingil ng mataas na pasahe.
Sabi ni Gines, hindi na anya kailangang maghain pa ng pormal na reklamo ang mga pasahero basta makita o mapatunayan lang nila sa pamamagitan ng biniling tiket na nagtaas ng singil ang mga ito.
Sabi ni Gines base sa joint administrative order ng kanilang ahensya Land Transportation Office (LTO) at ng DOTC ang common penalty sa nasabing paglabag ay pagmumultahin ng halagang P5,000 sa unang paglabag.