Trader nagbaril gamit ang M16

Dead on the spot si George Diploma, taga #15 Paseo de Roxas St., Barangay Bel-Air ng naturang lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa dibdib buhat sa M16 rifle. Philstar.com/File

MANILA, Philippines – Patay ang isang 53-anyos na negos­yante mata­pos itong magbaril sa sarili dahil sa uma­no’y problema sa kanyang pamilya kahapon ng umaga sa Makati City.

Dead on the spot si George Diploma, taga #15 Paseo de Roxas St., Barangay Bel-Air ng naturang lungsod, nagtamo ito ng tama ng bala sa dibdib buhat sa M16 rifle.

Sa report na nakarating sa tanggapan ng Southern Police District (SPD), alas-11:45 kahapon ng umaga nang matagpuang duguan at wala ng buhay ang biktima sa loob ng driver’s seat ng isang kulay puting Mercedez Benz, na may plakang WLZ-717 habang nakaparada ito, malapit sa tinitirhan nito sa naturang lugar ng guwardyang si Nario Elic.

Ipinagbigay alam ni Elic ang naturang insidente sa mga awtoridad at sa pagresponde ng mga pulis ay dito nila natagpuan ang duguang bangkay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ng Scene of the Crime Office (SOCO) at SPD, nagtamo ng tama ng baril sa dibdib ang biktima.

Problema sa kanyang pamilya ang hinihinalang dahilan nang pagpapakamatay nito.

Show comments