MANILA, Philippines - Umabot sa 700 na pampasaherong bus ang binigyan ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) ng special permit para makabiyahe sa probinsya ngaong holiday season.
Ayon kay LTFRB chairman Winston Gines, maaaring madagdagan pa ang mga bibiyaheng bus lalo ngayong mayroon pa silang aaprubahang mga special permit para matulungan ang mga pasaherong dumadagsa sa mga bus terminal para umuwi sa mga probinsya ngayong Pasko.
Kumpiyansa naman ang LTFRB na bagama’t may mga naantalang mga bus na mga dumadating sa mga terminal bunga na rin ng mga nararanasang trapik sa Metro Manila maging sa mga probisnya ay makakauwi ng maayos ang mga pasahero, bago sumapit ang Pasko.
Dahil sa pagdagsa ng mga pasahero, umabot na sa 6,000 ang mga nagtutungo sa mga bus terminal sa Araneta na karamihan ay patungo sa Visayas Region at Bicol Region.
Inaasahan naman ng pamunuan na lalo pang dadami ang mga magtutungo sa terminal ng bus dahil sa huling araw na ng pagpasok ng mga kawani sa kanilang mga opisina.
Samantala, upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero, sopresang isinailalim sa ramdon drug test ang mga driver ng bus sa nasabing terminal.
Layunin anya nito na masigurong walang mga driver ng bus na gumagamit ng iligal na droga na nagmamaneho habang patungo sa mga probinsya.