Sekyu kinatay

MANILA, Philippines - Todas ang isang security guard makaraang dalawang beses na saksakin ng nag-iisang salarin sa hindi pa mabatid na dahilan, kahapon ng mada­ling araw sa Caloocan City.

Nagtamo ng dala­wang tama ng saksak sa kata­wan ang nasawing si Cesar Vinas, 32, ng Block 39 Lot 1 Phase 2 F1 Brgy. 12, ng naturang lungsod. Inisyal namang nakilala ang suspek sa alyas na Willie.

Sa ulat, naganap ang krimen dakong alas-3 ng madaling araw sa may Tupda, Julian Felipe St., Brgy. 8, ng naturang lungsod.

Sa imbestigasyon, nadis­kubre na lamang ng mga residente ang duguang bik­­tima sa naturang lugar sanhi upang isugod ito sa Tondo General Hospital ngunit hindi na umabot ng buhay. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng pamamaslang.

Show comments