Truck driver, pahinante itinumba

Nakilala ang mga na­­sawi na sina Noel Corre, 41, driver; at ang 27-anyos na si Jessie Borja, kapwa naninirahan sa Sal­mon St., Brgy. 8, ng naturang lungsod. Philstar.com/File

MANILA, Philippines - Kapwa nasawi ang isang truck driver at kanyang pahinante nang pagbabarilin ng tatlong hindi pa nakikilalang mga salarin, kahapon ng madaling araw sa Caloocan City.

Nakilala ang mga na­­sawi na sina Noel Corre, 41, driver; at ang 27-anyos na si Jessie Borja, kapwa naninirahan sa Sal­mon St., Brgy. 8, ng naturang lungsod.

Sa inisyal na ulat ng Caloocan City Police, na­ganap ang pamamaril sa loob ng isang abandonadong kuwarto sa kanto ng Salmon at Sinilyasis Sts. ng naturang barangay dakong ala-1:40 ng madaling araw.

Nabatid na nakari­nig na lamang ang mga residente ng naturang ba­­rangay ang sunud-sunod na putok ng baril hanggang sa makita ang tatlong hindi nakilalang mga lalaki na papaalis sa lugar.

Isinugod sa Caloocan City Medical Center ang mga biktima ngunit kapwa­ hindi na umabot ng buhay.

Patuloy ang masu­sing imbestigasyon ng pulis­ya sa insidente dahil sa nananatiling blangko ang motibo sa pamamas­lang.

Show comments