Bebot utas sa pamamaril sa Tondo

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang isang hindi pa kilalang babae matapos barilin ng hindi pa tukoy na gunman sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Inilarawan sa edad 20-25, may taas na 4’, mahaba ang buhok, may tattoo na flower design sa kaliwang paa, nakasuot ng sleeveless na blouse na kulay pula at polka dots na itim at pula ang palda at tsinelas na blue.

Sa ulat ni PO3 Michael Maraggun dakong alas-3:28 ng hapon nang maganap ang pamamaril sa 12th St., Port Area.

Nakarinig lamang umano ng magkakasunod na putok ang residente ng lugar na si Yasi Ayunan na nang kanyang silipin ay nakita na ang nakadapa sa kalye ang biktima.

Maliban sa ginang, wala nang iba pang nais magbigay ng impormasyon hinggil sa pangyayari.

Dinala ang bangkay sa Saint  Rich Funeral Services para sa awtopsiya at safekeeping.

Show comments