MANILA, Philippines – Lasog ang dalawang binata matapos mahulog mula sa ika-10 palapag nang madiinan nila ang pintuan ng depektong elevator na bumukas habang sila ay nagsusuntukan sa isang gusali sa Pasay City, kahapon ng madaling araw
Dead on the spot ang mga biktimang sina John Lorenz Besmonte 19, massage therapist, Central Park Condo II, at Ronald Marga, 21.
Lumalabas sa report na natanggap ni Senior Supt. Joel B. Doria, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente alas-3:00 ng madaling-araw sa naturang condominium.
Nagkaroon ng pagtatalo ang dalawang biktima sa ika-10 palapag ng condominium na nauwi sa suntukan.
Habang nagsusuntukan nadiinan ng mga ito ang pintuan ng elevator na may depekto pala hanggang sa ito’y nagbukas dahilan upang mahulog ang dalawa at bumagsak ang mga ito sa may basement na naging dahilan ng agaran nilang kamatayan.
Patuloy na iniimbestigahan ng pulisya ang naturang insidente.