7 ‘tiktik’ tumanggap ng P.7-M reward

Ipinagkaloob ni PDEA Usec. Director Arturo Cacdac ang reward money sa isang informant na may codename Harvard na nagkakahalaga ng P43, 378.98 sa isinagawang awarding ng Operation Private Eye na ginanap sa PDEA office sa Quezon City. BOY SANTOS  

MANILA, Philippines - May kabuuang P776,475.48 cash ang iginagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pitong impormante nito matapos na makapagbigay ng impormasyon para mabuwag ang malalaking sindikato ng droga sa iba’t-ibang lugar sa bansa.

Ayon kay PDEA Director General Undersecreta-         ry Arturo G. Cacdac, Jr. ang mga impormante ay itinago sa mga codenames na Maria Clara, Bruno, Asiong, Danger, Harvard, Black Mamba at Caltex, na tumulong sa kanilang tanggapan para pangunahan ang pagtugaygay sa mga sindikato at nagresulta sa pagkakasamsam ng mga iligal na droga at pagkakadakip sa mga responsableng drug perso-nalities nito.

Giit ni Cacdac, ang mone­tary reward na ipinamahagi ng ahensya ay inaprubahan ng Operation Private Eye Rewards Committee, na kinabibilangan ng academe, non-government organizations, law enforcement, religious at business sectors, sa pamamagitan ng isang resolusyon.

Sa pitong impormante, si “Maria Clara” ang nakatang­gap ng pinaka­malaking reward na aabot sa P248,742.73. Ang im­por­masyon ibinigay nito sa PDEA ang naging ugat para makumpiska ang may 4,379.3667 gramo ng cocaine at pagkakadakip sa dalawang drug personali- ties nang ipatupad ang isang search warrant sa Bel Air 1 Subdivision, Sta. Rosa, Laguna noong October 8, 2015.

Kasunod nito si Asiong na tumanggap ng P128,037.41 dahil sa pagkakasamsam ng 1,997.6 gramo ng shabu at pagkakadakip sa dalawang suspect sa isang entrapment operation sa Robinson’s Place, Malate, Manila noong September 6, 2015.

Nilinaw ni Cacdac na ang pagiging vigilante ng komunidad ang naging ugat para maipatupad ang national anti-drug campaign dahil ang mga ito ang nagsisilbing mata at tenga ng mga barangay para matunton ang mga taong nasa likod ng pagpapakalat ng iligal na droga.

 

Show comments