Rider utas sa traktora

MANILA, Philippines - Isang 33-anyos na porter ang nasawi nang higupin ng lumilikong tractor head na kasabay niyang tumatahak sa sa Road 10, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw. Idi­neklarang patay sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) ang  biktimang si Marjune Arro, ng Block 215, Unit 5, NHB Barangay Tigbe, Norzagaray Bulacan. Pinipigil naman sa Manila District Traffic Enforcement Unit, ang driver ng tractor head na si Marlon de Guzman, 40, ng Manalili St., Inaon, Pulilan Bulacan na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in homicide  at damage to property.

Sa ulat ni SPO2 Manuel Garbin Jr., naganap ang insidente dakong alas-2:40 ng madaling araw sa intersection ng Road 10 at Herbosa St., Tondo. Iisang lane o southbound ang tinatakbo ng motorsiklo at ng Suzuki na FW110 (4070-OG) na kulay puti  at ng tractor head nang pumasok sa chasis o likod na bahagi ang motorsiklo na nabangga ito at nasira habang ang rider ay tumilapon at nabagok ang ulo. Nadala pa sa pagamutan ang biktima subalit  binawian din ng buhay dakong alas-3:35 ng madaling araw. Ludy Bermudo with trainee Angel Natalio at Giovan Pietro Guarino

Show comments