MANILA, Philippines – Nasa 100 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na naganap sa San Juan City kahapon ng madaling araw.
Sa ulat ng Bureau of Fire Protection (BFP), nabatid na ang sunog ay nagsimula dakong alas-2:00 ng madaling araw sa residential area sa West Crame sa San Juan City.
Mabilis na kumalat ang apoy sa mga tahanan na pawang gawa lamang sa mga light materials.
Naidiklara lamang na fire out ang sunog matapos ang tatlong oras.
Sa ngayon ay pansamantalang nanunuluyan sa isang chapel na malapit sa lugar ang mga na-ging biktima ng sunog.
Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng mga ari-ariang napinsala sa sunog at kung ano ang pinagmulan nito.
Wala naman naiulat na nasawi sa naganap na sunog pero may nasugatan na hindi na tinukoy ang pangalan.