Sa panibagong ‘Oplan galugad’ mga kontrabando, nasamsam uli sa Bilibid

Sa ikaapat na raid ng Bureau of Correction na tinawag na Oplan Galugad ay muling nakakumpiska ang mga otoridad ng mga ipinagbabawal na illegal na gamit na kapareho ng mga naunang pang-raid. Bening Batuigas

MANILA, Philippines – Mistulang hindi maubos-ubos ang mga nakatagong kontrabando sa loob ng New Bilibid Prison maka­raang muli na namang ma­kasamsam ang mga kawani ng Bureau of Corrections (BuCor) sa ilang selda dito sa panibagong ‘Oplan Galugad’ na isinagawa sa na­banggit na piitan, kahapon ng umaga.

Nabatid na hinalughog ng raiding team ng BuCor ang mga selda sa Building 13 sa Maximum Security Compound ng NBP, na sinasabing balwarte ng ‘Genuine Ilokano’ at mga batang Cebu.

Sari-saring mga appliances, improvised shotgun, bala, pana, sima, communication gad­gets, signal boos­ters, entertainment, gam­bling items at mahigit sa daang bilang ng mga patalim ang nasabat.

Nasa anim na beses na nagsagawa ng Oplan Galugad ang mga raiding team ng BuCor sa nakaraang buwan ng Nobyembre.

Show comments