Rider patay sa van

Rider patay sa van

MANILA, Philippines – Patay ang isang rider nang salpukin ng utility van ang likurang bahagi ng motorsiklo nito, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Axl Ross San Juan, vendor at residente ng Villa Fojas St., Gagalangin,  Tondo dahil sa matinding pinsala sa ulo.

Arestado naman ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU) ang suspek na si Edmundo Jordas, 40, driver ng utility van na nahaharap sa kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide with damage to property.

Sa ulat ni SPO1 Richard Borbon, alas-2:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Honorio Lopez Boulevard sa tapat ng Immaculate Conception  Academy , sa panulukan ng Del Rosario at Dalaga Sts., Balut, Tondo.

Tinatahak umano ng biktima, sakay ng Rusi 150CC  ang northbound lane ng H .Lopez nang salpukin ng rumaragasang Toyota van na may plakang TYG 972 ang puwitan ng motorsiklo kaya tumilapon si San Juan.

Nabagok umano ang ulo nito dahil sa lakas ng pagbagsak.

 

Show comments