Coed na Fil-Am, dinale ng tandem na holdaper

MANILA, Philippines – Isang coed na Fil-Am ang naging biktima ng holdaper/ snatcher na riding in tandem na nangyari sa loob ng isang tea house sa Valenzuela City, Lunes ng gabi.

Natangay ng mga suspect ang iPhone 5 ng biktimang si Mary Cooper, 24, estudyante ng Our Lady of Fatima University. Sa ulat, gumagawa ng school work si Cooper kasama ang dalawang klasmeyt sa loob ng ‘What The Tea shop’ sa may MacArthur Highway Brgy. Marulas, dakong alas-9:30 ng gabi nang pumasok sa loob ang isa sa dalawang salarin na nakasuot pa ng helmet.

Agad na hinablot ng suspek ang iPod na gamit ng biktima. Nagawa naman na makapan­laban ang biktima na naitulak­ ang suspek sanhi upang bumag­sak ito at maihulog rin ang iPod. Nagawa namang makaakyat sa ikalawang palapag ng tea cafe ng biktima habang nagmamadaling tinangay ng suspek ang iPhone nito na naiwang naka-charge sa lamesa.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Police Community Precinct 3 ngunit bigo na masakote ang mga salarin. Nakunan naman ng CCTV camera sa naturang shop ang pangyayari ngunit hindi naki­lala ang mga holdaper dahil sa suot na helmet.

Show comments