MANILA, Philippines - Nagpatupad na naman ng taas -presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies ngayong araw na ito (Martes-Nobyembre 10). Ang oil price hike ay pinangunahan ng Petron, na tumaas ng P0.35 kada litro ang gasoline, P0.75 kada litro sa diesel at P0.80 naman sa kerosene. Ang dagdag presyo ay epektibo alas-6:00 ng umaga ngayong araw na ito. Ayon kay Raffy Ledesma, ng Petron, ang oil price hike ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan nito sa wold market. Huling nagpatupad ng dagdag presyo ang ilang kompanya ng langis ay noong nakaraang linggo. Asahang magpapatupad na rin ng oil price hike ang iba pang oil companies na may kahalintulad ang halaga.