‘Akyat-bahay’, nanginain, nakatulog, nahimbing

Timbog ang isang miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ makaraang kumain

MANILA, Philippines – Timbog ang isang miyembro ng ‘Akyat Bahay Gang’ makaraang kumain, magpakabusog at makatulog pa sa mismong bahay na kanyang inakyat sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Ang suspek ay kinilalang si Danilo Detchosa, residente ng San Mateo Rizal.

Si Detchosa ay nadakip dakong alas-6:30 ng umaga habang ito ay mahimbing na natutulog sa living room ng bahay na kanyang inakyat sa Tanguile St., corner Agoho St., Monte Vista Subd. Industrial Valley, Marikina City.

Base sa reklamo ni Felomina Cabutin, magdamag na walang tao ang bahay ng kanyang amo na hindi na niya tinukoy ang pangalan at pag-uwi nito kinabukasan ay nagulat siya dahil may natutulog na ibang tao.

Agad na nagtungo sa security outpost si Cabutin at hu-mingi ng tulong sa mga guwardya doon na nagresulta ng pagkakadakip ng suspek.

Nakakulong ngayon sa Marikina police ang suspek at nahaharap sa kasong robbery sa piskalya ng Marikina.

Show comments