MANILA, Philippines – Sinuyod ng mga tauhan ng Manila Action and Special Assignment (MASA) ang ilang lugar sa paligid ng Manila City Hall kung saan isinagawa ang paglilinis sa mga vendors gayundin ang clamping sa mga illegally park na sasakyan.
Sa report ni Insp. Rommel Purisima, OIC, Manila City Hall Compac/MASA kay Chief Insp. Bernabe Irinco, Jr., hepe ng MASA, sabay-sabay na inoperate ng kanilang mga tauhan sa pangunguna ni SPO3 Joel Aquino at ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang Hidalgo Arroceros St., Taft Ave., Gat. Antonio Villegas St. at Cecilia Palma St. dakong alas-10 ng umaga.
Umaabot naman sa 10 sasakyan ang na-clamp dahil na rin sa pagpapark ng hindi pinahihintulutan. Ayon kay Irinco, kailangan na linisin mula sa mga naka-illegally park na sasakyan sa mga kalsada dahil kailangan itong malinis upang mapaluwag ang daloy ng trapiko.
Kadalasang ginagamit na altenate route ang ilang mga inner streets upang makapagpaluwag ng daloy ng sasakyan. Aniya, paghahanda din ito sa gaganaping Asia Pacific Economic Conference (APEC).
Inisyuhan ng Ordinance Violation Receipt ang mga na clamp kung saan makakadagdag din ito sa koleksiyon ng city government.
Samantala, nilisin din mula sa mga vendors ang paligid ng Unibersidad de Manila at city hall.