MANILA, Philippines – Nasa 302 trak ng basura ang nahakot ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) mula sa iba’t-ibang sementeryo sa Kalakhang Maynila matapos ang paggunita ng Undas. Nabatid ito kay MMDA Metro Parkway Clearing Group Chief Francis Martinez. Sinabi ni Martinez, mula Oktubre 26 bago ang Undas hanggang Nobyembre 2, ay umabot sa 302 truckloads ng basura na may katumbas na 934.784 metric tons ang kanilang nakolekta mula sa 26 sementaryo sa Metro Manila.
Gayunpaman, nilinaw ni Martinez, kumpara noong nakaraang taon ay bumaba naman ngayon taon ang nakolekta nilang basura. Tinukoy naman ni Martinez na dahil na rin sa tulong ng Tzu Chi foundation gayundin ng local government units kaya bumaba ang nahakot na basura mula sa North at South cemeteries.