Kotse salpok sa poste: 1 patay

Kotse salpok sa poste: 1 patay

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi habang 6 pa ang nasugatan nang sumalpok sa poste ng Me-ralco ang sinasakyan nilang   Honda City kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa San Juan De Dios Hospital ang biktimang si Marvin Pastrana  Alda, 28, ng Singalong St., Malate, Manila.

Nilalapatan naman ng lunas sa nabanggit na ospital ang mga sugatang pasahero nito na  sina Charlemagne Young Linga, 22; Raymon Acosta Mendoza, 23; Jeffrey Militar Quitara, 22; Angeliza Guiao Salazar, 28; Angel Guiao Salazar(male), 19 at Valcerio III Guiao Salazar, pawang mga magkakamag-anak.

Sa imbestigasyon ni SPO2 Ricky P. Murillo, ng Pasay City Traffic Bureau, naganap ang insidente ala-1:00 ng madaling araw sa kahabaan ng Roxas Boulevard ng naturang lungsod.

Nabatid, na sakay ang mga biktima sa isang Honda City (ZNF-556) na minamaneho ni Alda. 

Dahil mabilis ang sasak­yan  ay  bigla itong bumang­ga sa gutter hanggang nagpaikot-ikot at sumalpok sa isang poste. 

Sanhi ng lakas ng impact, sugatan ang mga biktima hanggang sa dinala ang mga ito sa nabanggit na ospital , subalit si Alda ay binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas dahil sa matinding pinsalang tinamo nito.

 

Show comments