Bus nasunog sa EDSA Ayala

Isang pampasaherong bus ang nasunog sa EDSA-Ayala ngayong Martes, Oktubre 27, 2015. Twitter/Sonny Angara

MANILA, Philippines – Isang pampasaherong bus ang nasunog ngayong Martes ng umaga sa kahabaan ng EDSA.

Dalawang lanes ng EDSA northbound sa bahagi ng Ayala ang nasakop ng nasunog na bus dahilan upang bahagyang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar.

Isang netizen ang nag-post ng larawan ng nasusunog na bus.

Naapula ang sunog ganap na 10:06 ng umaga, ayon sa MMDA.

Hindi pa naman malaman kung ano ang sanhi ng sunog.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Show comments