Isko nagpasalamat sa pag ‘ampon’ ni Bongbong Marcos

MANILA, Philippines - Nagpasalamat si Manila Vice  Mayor Isko Moreno na tatakbong Senador  kay Vice Presidential candidate  at Senator Bongbong Marcos sa  pahayag nito  na kanyang  sinusuportahan ang pagtakbo   ng bise alkalde  sa May 2016 elections.

Sa panayam kay Moreno sa 23rd National Convention ng  Vice Mayor’s League of the Philippines (VMLP) sa Marriott Hotel, sinabi nito na malaking karangalan  na hayagang  suportahan ni Marcos  na isa sa mga maituturing na magagaling na mambabatas sa ngayon.

Hindi umano niya inaasahan ang   ‘public announcement’ ni Marcos lalo pa’t wala pang  senatorial line up ang  senador.

Pinagtutuunan muna niya sa ngayon ay ang kanyang  tungkulin bilang  bise alkalde ng  lungsod at pagiging pangulo ng   VMLP. May mga sinumpaang tungkulin pa rin  siya sa mga Manilenyo na dapat niyang asikasuhin.

Ayon  naman kay  Marcos,  pinili niyang suportahan ang  kandidatura ni Moreno  sa Senado dahil sa  karanasan nito  sa local government.

Aniya, kailangan ng  national government ng  mga  opisyal na tulad ni Moreno na tunay na may pagpapahalaga at malasakit sa kapwa.

Sa katunayan ay maraming proyekto  si Moreno  sa  Maynila na magbibigay ginhawa sa  Manilenyo subalit nahahaluan ng pulitika at  kontrobersiya. Natural lamang umano na may partisipasyon din ang publiko upang mas maging madali ang  implementasyon nito kung saan makikinabang ang nakararami.

 Maituturing ring ‘visionary’ si Moreno dahil sa  lawak na  pag-iisip nito upang  masolusyunan ang problema sa mga susunod na panahon.

 

Show comments